^

Bansa

Para iwas Ebola, 'baboy lutuing mabuti'

-

MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko na maging maingat sa pagluluto at pagkain ng karneng baboy upang matiyak na ligtas ang mga ito bagama’t wala pang ebola virus outbreak sa bansa.Kasabay nito, sinabi din ni Duque na wala na­ mang dapat na ikaalarma ang publiko, basta’t titi­yakin lamang na ligtas ang binibiling karneng baboy at malinis ang gagawing paghahanda dito.

Sa ngayon ayon kay Duque, wala pa namang seryosong banta ng Ebola Reston virus sa tao. Aniya pa, ang mga na-infect na­man noon ng nasabing sakit ay mabilis ding na­karekober. Wala pa ring naitatala ang DOH na nasawi dahil sa nasabing sakit. Una nang nagpala­bas ng Executive Order si Pangulong Arroyo upang italaga sina Duque at Agriculture Secretary Arthur Yap bilang mga crisis managers sa sandaling mag­karoon ng paglaganap ng virus sa bansa.

Sa ilalim ng EO 826, si Yap ang mangunguna sa pag-contain at prevention ng virus sa mga hayop na dadapuan nito habang si Duque naman ang magpa­patupad ng mahigpit na monitoring sa mga taong magmumula sa mga lugar na hinihinala o meron nang kaso ng Ebola Reston. (Doris Franche)

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

ANIYA

DORIS FRANCHE

DUQUE

EBOLA RESTON

EXECUTIVE ORDER

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

KASABAY

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with