^

Bansa

Kasama sa London, Saudi trip ni GMA mga VIP lang

-

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Malacañang na ang mga importanteng indibidwal lamang ang makakasama sa susunod na biyahe ni Pangulong Arroyo sa London at Saudi Arabia.

Sinabi ni Deputy Spokes­person Lorelei Fa­jardo, ina­ asahan nilang magiging “conscious” na ang mga mamba­batas sa kanilang pagsama sa susunod na biyahe ng Pangulo matapos ang kon­trobersya sa US trip.

Gayunman, wala pa silang official list ng presidential entourage pero ang sigurado umanong kasama sa biyahe sa London mula September 17-18 ay kinabi­ bilangan ng mga economic managers ng Pangulo habang ang biyahe sa Saudi Arabia sa September 23 ay mga Labor officials at ilang kongresista na may kinalaman ang kanilang hinahawakang komite.

Nilinaw ni Fajardo, inimbitahan ang Pangulo na maging speaker sa isang forum sa London ha­bang naimbitahan naman ang Pangulo ni King Ab­dullah Bin Abdul Aziz ng Saudi Arabia para sa isang state visit.

Nakatakdang dumalo rin si Pangulong Arroyo sa 64 General Assembly ng United Nations sa New York sa Setyembre 15.

Mula Agosto 30-September 1 ay magtutungo ang Pangulo sa Kuwait at sa Libya mula Setyembre 1-2. (Rudy Andal)

vuukle comment

BIN ABDUL AZIZ

DEPUTY SPOKES

GENERAL ASSEMBLY

KING AB

LORELEI FA

MULA AGOSTO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with