^

Bansa

Imbestigasyon sa Dacer-Corbito tatapusin na ng DOJ

-

MANILA, Philippines - Maari nang tapusin ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon nito kaugnay sa Dacer-Corbito double murder case kahit na wala ang counter affidavit ni Senador Panfilo Lacson.

Ayon kay Justice Acting Secretary Agnes De­vana­ dera, binigyan na nila ng pagkakataon ang Senador na magpaliwa­nag sa pag­kakasangkot sa kaniya sa Dacer-Cor­bito double murder case subalit hindi niya ito gi­nawa at sa halip ay mas pinili pa nitong mag-file ng petition sa Court of Appeals (CA) upang pigilan ang DOJ sa pag-iimbes­tiga sa kaso, na ibinasura rin lang.

Nilinaw ng kalihim na ginagawa lamang ng DOJ ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng pagkilos sa inihaing reklamo ng mga anak ng publicist na si Bubby Dacer noong Marso kung saan hini­hiling ng mga ito na im­bestigahan si Lacson dahil sa umano’y sangkot ito sa pagpatay.

Pinagbasehan umano ng magkakapatid na Da­cer ang affidavit ni dating Senior Supt. Cesar Man­cao III na nagsasabing si Lacson at dating Pangu­long Joseph Estrada ang nag-utos na patayin si Dacer at pinatay na rin ang driver nitong si Em­manuel Corbito upang walang maging testigo sa krimen.

Nilinaw naman ni De­vanadera na maaari pa ring maghain ng counter affidavit si Lacson sa susunod na hearing sa September 3 kung gusto nito. (Gemma Garcia/Ludy Bermudo)

BUBBY DACER

CESAR MAN

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA GARCIA

JOSEPH ESTRADA

JUSTICE ACTING SECRETARY AGNES DE

LACSON

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with