^

Bansa

9,000 aksidente sa kalye dahil sa alak at text

-

MANILA, Philippines - Umaabot na sa mahigit 9,000 aksidente sa lansangan ang naitala ng PNP-Highway Patrol Group sa unang tatlong buwan pa lamang ng taong ito.

Ayon kay PNP- HPG Director Chief Supt. Orlando Mabutas, mula Enero hanggang Marso, umabot sa 9,279 ang aksidente ng mga sasakyan at kadalasang nasa impluwensya ng alak habang ang iba ay nagte-text sa pagmamaneho at mga inaantok na nagbu­bunsod sa trahedya.

Karamihan ay kinasangkutan ng mga kotse na nasa 3, 698 ang bilang. Nasa 2,529 naman ang kina­sangkutan ng mga motorsiklo habang 991 ang bus kung saan, ang dalawang pinakahuling insidente ay naganap sa Lucena City, Quezon na ikinamatay ng siyam na katao at pagkasugat ng 41 iba pa. (Joy Cantos)

AYON

DIRECTOR CHIEF SUPT

ENERO

HIGHWAY PATROL GROUP

JOY CANTOS

KARAMIHAN

LUCENA CITY

MARSO

ORLANDO MABUTAS

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with