^

Bansa

Pork barrel ni Chiz buking

-

MANILA, Philippines - Nabisto ang isang Senador na tumanggap ng halos P130 milyong pork barrel noong 2004-2005.

Sa website ng Department of Budget and Management, nabuking si Senador Francis “Chiz” Escudero na tumanggap ng halagang P20M mula sa Philippine Assistance Fund at P20M mula naman sa Public Works habang nasa kasagsagan ng pagdinig ng impeachment complaint laban kay Pangulong Gloria Arroyo.

Kung matatandaan, absent si Escudero noong araw na pagbobotohan kung isusulong o ibabasura ang impeachment complaint laban kay Arroyo.

At noong 2004 kung saan tumayong taga­pag­salita si Escudero ng kampo ni Fernando Poe Jr. na lumaban kay Pangulong Arroyo ay nakatanggap ito ng P68.6 million para sa DPWH projects at P21 million mula sa PDAF. Wala naman datus ang DBM kung magkano ang nabigay na pondo kay Escudero mula 2006 hanggang ngayon.

Una ng sinabi ni Escudero na mula noong 2005 ay hindi na siya nakatanggap ng budget mula sa gobyerno simula ng makisali sa impeachment proceedings at labanan si Arroyo at maging lider ng oposisyon sa Kamara. 

Kamakailan lamang ay sinabi ni Congressman Mikey Arroyo na mayroong batang presidentiable mula sa oposisyon ang nakipagkita at humihingi ng tulong at basbas kay Pangulong Arroyo upang maluklok bilang pangulo sa darating na halalan. Ang naturang pagpupulong ng Pangulo at ng batang presidentiable ay kinumpirma din nila Executive Secretary Eduardo Ermita at Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz. 

Ang umano’y Trojan Horse ng Malacanang ang nagtulak naman kay Senate Minority Floor Leader Aquilino Pimentel Jr. na hamunin si Congressman Arroyo para pangalanan ang naturang traydor para patawan ng parusa.    

Si Escudero at si Senator Loren Legarda ang pinagpipilian kung sino ang tatayong standard bearer ng Nationalist Peoples Coalition. (Doris Franche)


vuukle comment

ARROYO

CONGRESSMAN ARROYO

CONGRESSMAN MIKEY ARROYO

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DORIS FRANCHE

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

FERNANDO POE JR.

LINGAYEN DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

MULA

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with