^

Bansa

GMA dumalaw sa burol

-

MANILA, Philippines - Dumalaw kahapon ng madaling-araw sa burol ni dating Pangulong Cora­zon Aquino sa Manila Cathedral si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo makaraang lumapag ang sinakyan niyang eroplano sa paliparan pagkagaling niya sa Amerika.

Sa maliit na pinto sa gilid ng altar ng simbahan na ginagamit ng mga pari pumasok ang Pangulo at kanyang mga kasama upang makaiwas sa mga mamamahayag at ka­agad na dumiretso sa kabaong ni Aquino upang bigyan ito ng huling respeto.

Ipinatigil naman ng organizer ang public viewing habang naroroon si Gng. Arroyo.

Tanging ang anak ni Aquino na si Sen. Be­nigno “Noynoy” Aquino III ang tumanggap sa Pa­ngulo sa pagdalaw nito sa labi ng kanilang ina dahil wala umano ang apat nitong mga kapatid.

Nagkamay muna bago nag-usap ng ilang minuto ang pangulo at ang sena­dor bago muling lumapit sa kabaong ang punong-ehekutibo nang mag-isa at nanalangin bago tuluyang lumisan sa simbahan.

Tumagal lamang ng pitong minuto ang pana­natili ni Pangulong Arroyo sa Manila Cathedral.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, ramdam umano ng pa­ngulo na obligasyon nitong magtungo sa burol at nais pa sana nitong manatili nang matagal ngunit nagpasyang ka­agad na lamang umalis matapos na makita ang mahabang pila ng tao na naghihintay na makasul­yap sa labi ni Aquino.

“Nung malaman niya na hihinto ang pila ng mga tao, minabuti na niyang (Pres. Arroyo) tumuloy,” ayon naman kay Noynoy.

“We managed to treat each other civilly, wala naman kaming masya­dong pinag-usapan. Ako’y masaya dahil natupad ko ang mga pangako ko sa aking mga magulang ‘yung tamang asal. Siguro naman ‘di ako nagkulang sa tagubilin,” dagdag pa nito. (Rudy Andal at Mer Layson)

AQUINO

MANILA CATHEDRAL

MER LAYSON

NOYNOY

PANGULONG ARROYO

PANGULONG CORA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with