^

Bansa

668 dayuhan di pinapasok sa bansa -- Libanan

-

MANILA, Philippines -Umaabot na sa 668 mga illegal aliens ang hindi pinayagang makapasok ng Bureau of Immigration (BI) sa bansa sa unang tatlong buwan ngayon taon.

Sa ulat ni BI Immigration Regulation Division (IRD) Chief Gary Mendoza kay Commissioner Marce­lino LIbanan, ang mga illegal na dayuhan ay naha­rang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) samantalang ang iba pa ay sa iba pang paliparan sa bansa tulad ng Cebu, Clark at Davao.

Bilang bahagi ng standard operating procedure, kaagad hinarang sa airport ang mga ito at inilagay sa immigration blacklist upang hindi na muling makabalik sa Pilipinas.

Ayon kay Mendoza, karamihan sa mga naha­rang ay mayroong mga pekeng travel documents at pinaghihinalaang ang iba dito ay biktima ng sindikato ng human trafficking.

Karamihan umano sa mga sindikatong ito ay ginagamit ang Pilipinas bilang transit point para sa mga biktima nila patu­ngong US, Canada at Europe, wika naman ni Libanan.

Ayon pa kay Libanan, hirap nang makalusot ang illegal aliens sa NAIA dahil sa matinding training na pinagdaraanan ng immigration officers sa pagti­ngin sa mga pasahero at pagsala sa mga pekeng travel documents.

Base sa record ng BI simula Enero hanggang Hulyo lumalabas na 76 Koreans ang nangunguna sa listahan sumunod dito ang Chinese, 68, Japanese, 39, Indians, 28, Ame­ricans, 27, Taiwanese, 21, Singaporeans,11, Malaysian,9, Britons, 9 at 8 Australiano. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIEF GARY MENDOZA

COMMISSIONER MARCE

GEMMA AMARGO-GARCIA

IMMIGRATION REGULATION DIVISION

LIBANAN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with