^

Bansa

Obama pabango kay GMA, ayon sa US paper

-

MANILA, Philippines - Isang pahayagan sa United States na Washington Times ang naghayag sa editorial nito kahapon na isang pagkakamali umano ang imbitasyon ni U.S. President Barack Obama kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa editorial, mag­sisilbi lang si Obama bilang pampabango sa admi­nistrasyon ni Arroyo na natigmak ng mga kati­walian, pang-aabuso sa ka­ra­patang-pantao at usap-usapan sa pagpa­palawig ng panunungkulan nito.

Pero minaliit lang ng Malacañang ang naturang editorial sa pagsasabing naaangkop lang ito sa imahen ng Washingtong Times bilang kritiko ni Obama.

Bukod dito, ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, ang managing editor ng naturang pahaya­gan na si Brett Dekker ay isang biographer ni dating House Speaker at Panga­sinan Congressman Jose de Venecia na isa na nga­yon sa mga kritiko ni Gng. Arroyo.

Idiniin din ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez na hindi na nila pinapansin ang editorial dahil si Dekker ang sumulat nito. Takdang magtungo si Gng. Arroyo sa U.S. sa Hulyo 30. (Rudy Andal)

BRETT DEKKER

CONGRESSMAN JOSE

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN ANTHONY GOLEZ

GNG

HOUSE SPEAKER

OBAMA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENT BARACK OBAMA

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with