Walang Pinoy sa Jakarta bombing
MANILA, Philippines - Wala umanong Pinoy na nadamay sa naganap na pagpapasabog sa dalawang hotel sa Jakarta, Indonesia kahapon ng umaga.
Batay sa ulat ni Philippine Ambassador to Indonesia Vidal Querol sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs, wala silang naiulat na namatay o nasugatang Pinoy matapos na yanigin nang magkasunod na pagsabog ang Ritz-Carlton at Marriott hotels sa Jakarta.
Sa inisyal na report, unang narinig ang pagsabog sa Ritz-Carlton Hotel, na nagdulot ng malaking pinsala sa harapang bahagi nito.
Ilang minuto ay sumunod naman ang pagsabog sa Marriott Hotel.
Sa ulat ng local na mga awtoridad, anim ang kumpirmadong patay sa Marriott at ilang Indonesian at foreign guests ang mga sugatan sa magkasunod na insidente ng pagpapasabog.
Matatandaang 12 katao ang namatay sa nangyaring pagsabog sa Marriott Hotel noong taong 2003, na sinasabing kagagawan ng terrorist group na Jemaah Islamiyah. (Mer Layson)
- Latest
- Trending