Dumlao malabo pang makauwi
MANILA, Philippines - Aminado ang Department of Justice (DOJ) na blangko pa hanggang ngayon ang pamahalaan kung kailan makakabalik ng bansa si dating Police Supt. Glenn Dumlao, isa sa mga akusado sa Dacer-Corbito double murder case.
Sa pahayag ni Justice Secretary Agnes Deva nadera, wala pang abiso mula sa US District court kung kailan mapapadeport si Dumlao. Wala pa rin umanong naisusumiteng deposition paper si Dumlao kaya malabong makauwi ito sa sa mga susunod na araw.
Una nang sinabi ng DoJ na sa oras na makauwi ng bansa si Dumlao ay saka na sisimulan ang preliminary investigation sa naturang kaso. Ang isa sa pangunahing suspek na si Supt. Cesar Mancao ay nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation matapos mapadeport.
Tiniyak naman ni Devanadera na sa oras na makabalik ng bansa si Dumlao ay papaspasan na ang imbestigasyon sa nasabing kaso. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending