^

Bansa

Cory malubha ang kalagayan

-

MANILA, Philippines – Nagsuguran kaha­ pon ang mga kamag-anak, ka­ibigan at iba pang ta­ga­su­porta ni da­ting Pa­ngulong Corazon Aquino sa isang kapilya sa Green­belt sa Makati para ipagdasal siya nang ma­pabalitang nasa ma­lubha na siyang kalaga­yan. 

Sinimulan din nila ka­hapon ang siyam na araw na nobena kasu­nod ng kumalat ang balitang lu­mubha na ang kalaga­yan ni Aqui­no sa sakit nitong colon cancer.

Isang pahina rin ang inilaan ng Benigno Aqui­no Jr. Foundation para ma­ipas­kel ng sinuman ang kanilang dasal at mensa­he sa dati at unang ba­baeng pangulo ng bansa.

Mahigit isang linggo nang naka-confine sa Ma­kati Medical Center ang da­ting pangulo mula nang ma­walan siya ng gana sa pag­kain kasu­nod ng pi­nagda­anan niyang radiation treatment.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Sen. Be­nig­no “Noynoy” Aquino III sa mga nanalangin para sa kanyang ina.

Hiniling din ng pamil­ya Aquino sa sambaya­nang Pilipino na dag­da­gan pa ang pagda­rasal para sa dating Pangulo.

Nabatid na mismong si Cory umano ang humi­­ling na ipagdasal siya.

Noong Marso 2008 natuklasan ng mga duk­tor na merong colon cancer si Gng. Aquino. (Rose Tesoro/Malou Escudero)


vuukle comment

AQUI

AQUINO

BENIGNO AQUI

CORAZON AQUINO

JR. FOUNDATION

MALOU ESCUDERO

MEDICAL CENTER

NOONG MARSO

ROSE TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with