^

Bansa

Gastos ng DOH sa A(H1N1): P50 milyon na

-

MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Health Undersecretary Mario Villaverde na umaabot na sa P50 milyon ang nagastos ng Kagawaran simula lamang noong Mayo ng mag­ karoon ng mga kaso ng AH1N1 virus sa bansa.

Ayon kay Usec. Villaverde, humigit kumulang na sa 50 porsyento ng pondo na ibinigay sa kanila ng National Disaster Coordinating Council para gamiting pan­lunas sa mga naaapektuhan ng nasabing virus.

Gayunman, tiniyak din ni Villaverde na sa kabila nito ay hindi kakapusin ang pondo ng DOH dahil may naka-standby pa silang P150-M na pondo na inilaan naman ni Pangulong Arroyo.

Sakali man aniyang kulangin pa ito dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kumpirmadong kaso ng AH1N1 virus sa bansa, madali namang maka­kuha ulit ng pondo batay na rin sa direktiba ng Pangulo.

Wala din namang dapat ipangamba ang publiko kahit na umabot na sa 344 ang mga naitalang kaso ng AH1N1 virus sa bansa na inaasahan pang tataas sa mga darating na araw dahil mild lang naman ang strain ng nasabing virus na tumama sa bansa. (Doris Franche)

AYON

DORIS FRANCHE

GAYUNMAN

HEALTH UNDERSECRETARY MARIO VILLAVERDE

IPINAHAYAG

KAGAWARAN

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SAKALI

VILLAVERDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with