Lakas member kumalas dahil sa constituent assembly
MANILA, Philippines – “Ang katapatan ko sa partido ay nagwawakas kung saan nagsisimula ang katapatan ko sa bayan.”
Ito ang binitiwang salita ni Konsehala Fe Ramos ng Sta. Maria, Bulacan sa kanyang privilege speech bago nagbitiw bilang miyembro ng Lakas-CMD sa naturang bayan.
Ayon kay Konsehala Fe, hindi na niya masikmura ang sistemang pulitikal ng Lakas-CMD sa kanyang bayan at sa buong bansa kaya siya nagpasyang magbitiw sa partido, lalo na nang mas bigyan ng prayoridad ng mga kapartido niyang kongresista ang Constituent Assembly (Con-Ass) para sa Chacha kesa ipasa ang mga batas para sa mga magsasaka tulad ng Comprehensive Agrarian Reform Program with Extensions and Reforms (Carper).
Si Konsehala Fe, na ang mga magulang ay mula sa hanay ng mga mag sasaka ay nagsabi na ang pagkakaalam niya, ang partiduhan ay tuwing panahon lamang ng eleksyon at pagkaraan ay pantay-pantay na ang paglilingkod sa mamamayan, pero sa nakikita niyang sistema ng Lakas-CMD ay mas inuuna nito ang kapakanan ng partido, kesa kapakanan ng mamamayan.
- Latest
- Trending