^

Bansa

Super Typhoon Rosal bahagyang humina

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bahagyang humina ang Super Typhoon Rosal habang patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran sa may karagatan ng silangan ng Northern Luzon.

Alas-5 ng hapon kahapon, si ST Rosal ay namataan ng Pagasa sa layong 725 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan tag­lay ang lakas ng hangin na aabot sa 205 kph at pagbugso na aabot sa 250 kph.

Nakataas ang signal no. 2 sa Batanes habang signal no. 1 sa Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, eastern portion ng Isabela, Ilocos Norte, Apayao, northeastern portion ng Catanduanes.

Patuloy ang pagkilos ni Rosal sa kanluran hilagang kanluran at hilagang kanluran ngayong Huwebes.

Magsisimula itong lumiko sa hilaga hilagang kanluran sa Biyernes bago bumalik sa hilaga hilagang kanluran sa Sabado, Okt 24 hanggang sa lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

SUPER TYPHOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with