^

Bansa

DOJ: Atong Ang nasa Pinas pa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DOJ: Atong Ang nasa Pinas pa
Charlie ‘Atong’ Ang
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Taliwas sa unang napaulat na nakalabas ng Pilipinas, nanindigan si Justice Secretary Fredderick Vida na nasa loob pa ng Pilipinas ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, batay sa talaan ng Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni Vida na wala siyang alam sa pinagmulan ng impormasyon ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nauna nang nagsabing huling nakita si Ang sa Cambodia.

“Kaya hindi ko makukumpirma na nakaalis na siya ng bansa kasi umaasa kami sa immigration records, at base sa immigration records wala kaming record na umalis siya,” sabi ni Vida.

Una nang sinabi ni Remulla na pinaniniwalaang nasa Cambodia na si Ang na dumaan sa “backdoor exit.”

Gayunpaman, inamin ni Vida na ang Pilipinas ay isang archipelagic country na may maluluwag na hangganan at maaaring gumamit ng backdoor exits ang mga pugante.

“Very porous kasi talaga iyong borders natin and as the statement of your Secretary of Justice, per records of the department he is still in the country,” sabi ni Vida.

Tiniyak din ni Vida na nagpapatuloy ang pag-uusig kay Ang, na nahaharap sa mga kasong murder kaugnay ng mga nawawalang sabungero.

CHARLIE “ATONG” ANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with