^

Bansa

Whistleblower ng Garci tape namatay na

-

MANILA, Philippines – Sumakabilang buhay na kahapon si dating National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director for Intelligence Atty. Samuel Ong dahil sa cardiac arrest.

Si Ong ang naglabas ng “mother of all tapes” o orihinal na kopya ng audio tape ng umano ay pag-uusap nina Pangulong Arroyo at dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, hinggil sa 2004 presidential elections.

Una rito ay ipinatawag mismo ng pamilya ni Ong si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani kung saan naka-confine ang una para bigyan na ito ng “anointment” o pagbabasbas ng langis sa maysakit.

Dagdag pa ni Bacani, masama na ang lagay ni Ong at hindi na ito masyadong nakakausap.

Nanghihinayang naman si Bacani dahil hindi naging matagumpay ang laban ni Ong sa nasabing isyu at tila wala naman itong kinahinatnan. (Mer Layson)

BACANI

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

DEPUTY DIRECTOR

INTELLIGENCE ATTY

MER LAYSON

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NOVALICHES BISHOP EMERITUS TEODORO BACANI

ONG

PANGULONG ARROYO

SAMUEL ONG

SI ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with