^

Bansa

Hayden may 40 pang sex video?

-

MANILA, Philippines – Kinumpirma kaha­pon ng tanggapan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na may 40 sex video library si Dr. Hayden Kho kasama ang iba’t ibang klaseng babae.

Ayon kay Revilla, po­sib­leng nahihiya la­mang ang iba pang biktima ni Kho na lu­mantad dahil sa kaka­haraping mala­king ka­hihiyan.

Hinikayat ni Revilla ang ibang biktima na lumantad at kasuhan si Kho sa halip na mana­himik na lamang.

Bukod sa sex video ni Katrina Halili at Kho, kalat na rin sa internet at pinag­pasa-pasahan na rin sa mga cellular phones ang sex video ng doctor ka­sama ang naging girlfriend na si Maricar Reyes.

Nakatanggap din ng impormasyon ang tang­gapan ni Revilla na ma­tagal na naging karelas­yon o girlfriend ni Kho si Reyes, isang young star/model ng ABS-CBN kaya posibleng mas marami itong sex video.

Sinabi ni Revilla na dapat sumailalim sa neuro examination si Kho dahil maliwanag na hindi normal ang gina­gawa nito.

Itinakda sa Hunyo 1, araw ng Lunes ng Se­nate­ committee on wo­men ang imbes­ti­gasyon kaug­nay sa sex video kung saan ina­asa­hang haharap si Halili.

Samantala, todo-tanggi ang ilang mga senador na napanood nila ang sex video nina Kho at Ka­trina Halili, maging iba pang kuha sa naging karelasyon ng doktor.

Kabilang sa tumang­gi na nakapanood ng video si Senador Fran­cis Pangi­linan at Senate pro-tempore Jose “Jing­goy’ Es­trada. (Malou Escudero)


vuukle comment

DR. HAYDEN KHO

HALILI

KATRINA HALILI

KHO

MALOU ESCUDERO

MARICAR REYES

REVILLA

REVILLA JR.

SENADOR FRAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with