^

Bansa

Gabriela ginagamit si 'Vanessa' - DOJ

-

MANILA, Philippines – Inakusahan ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang grupong GABRIELA na ginagamit lamang ang isang babaeng sumisigaw na biktima siya ng rape ng sundalong Kano subalit ayaw namang maghain ng pormal na reklamo sa takot na magaya sa sinapit ni Suzette Nicolas o Nicole.

Naniniwala ang kalihim na ginagamit lamang ang babaeng itinago sa pangalang “Vanessa” upang makalikha ng panibagong isyu at gulo para makapag-ingay laban sa pamahalaan tulad ng panggagamit umano kay Nicole.

Nilinaw ni Gonzalez na dumaan sa mahabang proseso ang kaso ni Nicole na sa bandang huli ay napatunayang hindi totoo ang panggagahasa sa kanya. Mismong ang biktima rin aniya ang umamin at naghain pa ng recantation sa Court of Appeals na nagsasaad na hindi siya ginahasa ni US Marine Lance Corporal Daniel Smith

Hinamon ng kalihim ang biktima na kung talagang siya ay hinalay ay matapang niyang harapin ang suspek at kasuhan sa korte upang maisailalilm sa paglilitis ng husgado at papanagutin ang may sala.

Nabatid na lumutang sa media ang nasabing biktima na hindi niya na planong magsampa ng demanda dahil takot na matulad kay Nicole ang kan­yang kaso. Siya umano ay pinuwersang halayin ng isang sundalong Kano sa tinutuluyang hotel ng huli sa Makati City, kamakailan. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

COURT OF APPEALS

GONZALEZ

HINAMON

INAKUSAHAN

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

KANO

LUDY BERMUDO

MAKATI CITY

MARINE LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

SUZETTE NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with