^

Bansa

Reklamo ng ex-receptionist laban kay Pacman ibinasura

-

MANILA, Philippines – Dinismis kahapon ng Quezon City Prosecu­tor’s Office ang rekla­mong iniharap ng isang dating receptionist laban kay People’s Champ Manny Pacquiao na na­karelas­yon umano ng babae.

Sinabi ni Assistant City Prosecutor Maria Gracia Cadis Casaclang na hindi sapat na ebi­den­sya ang litratong nagpa­pakita kay Pac­quiao na kasama ang nagrekla­mong si Joan­na Bacusa at ang isang anak umano rito ng bok­singero.

Sinabi pa sa resolus­yong nilagdaan ni Ca­sac­lang noong Mayo 2 na hindi maaaring ga­miting ebidensiya ang nasabing litrato para masabing nagkaanak si Pacquiao sa ibang ba­bae.

Ikinatuwiran ng pro­se­cution na kahit na sinong babae at anak nito ay maaaring mag­pa­kuha ng litrato ka­sama si Pac­quiao ngunit hindi ito magpapatibay na asawa at anak ng huli maliban sa misis nitong si Jinkee at apat na anak.

Maging ang pagbibi­gay ni Pacquiao ng uma­no’y tulong pinan­siyal sa mag-inang Ba­cusa ay hindi din mag­papatibay na anak ni Pacman ang bata.

Batay sa record, isi­nampa ni Bacusa ang reklamong paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children laban kay Pac­quiao nang putulin uma­no nito ang sustento sa bata.

Si Bacusa, dating receptionist sa City Square KTV Bar sa Malate, May­nila ay nagkaron umano ng relasyon kay Pacman noong April 18, 2003 hanggang sa nagkaroon ng anak ang huli sa una. (Perseus Echeminada)


ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN

ASSISTANT CITY PROSECUTOR MARIA GRACIA CADIS CASACLANG

BACUSA

CHAMP MANNY PACQUIAO

CITY SQUARE

PACMAN

PACQUIAO

PERSEUS ECHEMINADA

QUEZON CITY PROSECU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with