^

Bansa

Apology ng hukom sa Lozada case hinihingi

-

MANILA, Philippines – Dapat humingi ng paumanhin sa sambaya­nang Pilipino si Manila Metropolitan Trial Court Judge Emmanuel Loredo dahil sa pagpayo niya kay Philippine National Railways Chairman at dating Presidential Chief of Staff Mike Defensor na makipag-areglo kay Jun Lozada na naging kontro­bersyal sa pagtestigo sa anomalya sa isang kon­trata ng pamahalaan at ng ZTE Corp. ng China.

Ito ang panawagan kahapon ng mga duktor sa batas at mga propesor ng University of the Philippines at Ateneo de Manila University na sina Arturo de Castro at Atty. Jesus Santos na tagapa­ngulo rin ng National Association of Lawyers for Justice and Peace.

Pinuna nina de Castro at Santos na hinusgahan na umano ni Loredo ang kasong perjury na isi­nampa ni Defensor laban kay Lozada bago pa man ito dinggin.

Sinabi ni Santos na hindi nararapat kay Lo­redo na humahawak sa naturang kaso na mag­bigay ng ganong payo kay Defensor.

Ayon kay De Castro, bilang isang hukom ay dapat na manatiling walang pinapanigan si Loredo at hindi maim­pluwensiyahan ng anu­man o ninuman.

Hindi anila makata­rungang impluwensi­yahan ng hukom si Defensor sa dapat nitong gawin.

Idinagdag pa nila na, kung nais ni Loredo na maging abogado ni Lo­zada, dapat itong mag­bitiw bilang huwes.

Idiniin ni Santos na ang reputasyon ni Defensor ang nasira sa kaso dahil sa magka­ ibang pa­hayag ni Lo­zada hinggil sa papel nito umano sa sinasabi niyang pagdukot sa kaniya. (Butch Quejada)


BUTCH QUEJADA

DE CASTRO

JESUS SANTOS

JUN LOZADA

JUSTICE AND PEACE

LOREDO

MANILA METROPOLITAN TRIAL COURT JUDGE EMMANUEL LOREDO

MANILA UNIVERSITY

NATIONAL ASSOCIATION OF LAWYERS

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS CHAIRMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with