^

Bansa

Natitirang bidder ng Comelec disqualified din

-

MANILA, Philippines – Matapos na ideklarang ineligible to bid ang anim na mga bidders kama­kailan, diniskwalipika na rin kahapon ng Comelec-Special Bids and Awards Committee ang natitira pang bidder na Gilat-FF Cruz and Co. Inc dahil sa ka­biguan nitong makapag­sumite ng mga kaukulang dokumento.

Ayon kay Comelec Com­missioner Rene Sar­miento, hindi na rin naman muling magsasa­gawa ng panibagong bidding ang Comelec para sa P11.2 bilyon poll automation sa 2010. Sa kabila naman nang pag-disqualify sa lahat ng pitong bidders, sinabi ng Comelec na mas­yado pang maaga para magdeklara ng “failure of bidding”.

Ayon kay Comelec SBAC Chairman Atty. Ferdinand Rafanan, nag­hihintay pa sila ng ihahaing apela ng mga bidders. Nagpasabi na aniya ang dalawang na-disqualify na bidders na Indra Sistemas S.A. at Avante International na maghahain sila ng apela.

Dahil dito, hindi pa aniya maituturing na tapos na ang bidding process kaya hindi pa maaring sabihing mayroon nang failure of bidding. Inaasa­hang lalabas ang kani­lang hatol sa susunod na Linggo.

Aminado si Rafanan na isa sa mga ikinu­kunsidera nilang contingency plans ay ang pagbabalik sa mano-mano ng eleksyon sa 2010 sa sandaling wala talagang makuhang bidder. (Mer Layson)


AVANTE INTERNATIONAL

AYON

CHAIRMAN ATTY

COMELEC

COMELEC COM

COMELEC-SPECIAL BIDS AND AWARDS COMMITTEE

CRUZ AND CO

FERDINAND RAFANAN

INDRA SISTEMAS S

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with