^

Bansa

'Secret Training' ng Magdalo alam daw ni Trillanes

-

MANILA, Philippines – Inakusahan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si jailed-Senator Antonio Tril­ lanes na tangkang pagta­ takip sa nabistong sikre­tong pagsasanay ng ilang miyembro ng military rebel group na Magdalo sa Clark, Pampanga kamakailan.

Ayon kay PAOCC Executive Director for Intelligence and Special Operations Mariano Jose Villa­fuerte III, mistulang ipina­kikita rin ni Trillanes na may nalalaman ito sa ‘secret training’ na ito at naghain ng resolusyon sa Senado na humihiling na maiimbes­tigahan ang pangyayari para mapagtakpan ang mga naarestong Magdalo members.

Mismong si Tony New­man, na isang Australian national at former member ng Special Force ng Australian military ang bumisto sa lihim na pagsasanay na ito ng Magdalo members matapos siyang magduda sa kung ano talaga ang motibo ng mga ito at kinuha ang kanyang serbisyo para sila i-train sa iba’t-ibang military tactics.

Giit ni Villafuerte, wa­lang basehan na pagdis­kitahan siya ni Trillanes sa pagsama sa raid sa ‘secret training headquarters’ na ito ng Magdalo men dahil isang joint operation ang kanilang ginawa kasama ang mga operatiba ng Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation, PNP at PAOCC.

May mga nakuha uma­no silang mahahalagang ebidensya sa lugar ng raid gaya ng ilang dokumento, video taped at iba pa na gagamitin para pormal na sam­pahan ng kaso ang mga naaresto. (Doris Franche)

BUREAU OF IMMIGRATION

DORIS FRANCHE

EXECUTIVE DIRECTOR

INTELLIGENCE AND SPECIAL OPERATIONS MARIANO JOSE VILLA

MAGDALO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME COMMISSION

SENATOR ANTONIO TRIL

SHY

SPECIAL FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with