Palasyo nag-alay ng misa para kay Cory
MANILA, Philippines – Isang Misa ang inialay ng Malacanang para sa mabilis na recovery ni dating Pangulong Corazon Aquino matapos itong sumailalim sa surgery para sa kanyang colon cancer.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo, isang misa na ginanap sa Heroes Hall sa Palasyo ang inialay para kay Mrs. Aquino upang mabilis ang kanyang paggaling.
Wika pa ni Usec. Fajardo, taimtim na ipinagdarasal din ni Pangulong Arroyo ang mabilis na paggaling ni Mrs. Aquino na sumailalim sa operasyon kamakalawa sa Makati Medical Center upang alisin ang cancer cells nito.
Naging matagumpay naman ang operasyon ni Mrs. Aquino at under observation ito sa loob ng 72 oras sa Intensive Care Unit o ICU. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending