^

Bansa

Lomibao 'sinisira' ng mga alipores

-

MANILA, Philippines - Dapat umanong im­bes­tigahan at kastiguhin ni Land Transportation Office Chief Arturo Lomibao ang ilan sa kanyang mga ali­pores dahil sa umano’y pananakot sa mga drug testing centers, insurance companies, PETCs, IT service providers na patata­galin ang renewal ng authorization ng mga ito o di kaya ay sususpindihin pa kung hindi umano sila makikipagmabutihan sa mga ito.

Sa mga nasuspinding PETC naman, kanila umano itong pinanganga­kuan na ma­papadali ang pag-lift ng suspension order kung sila ay magbi­bigay ng kauku­lang pondo.

Ayon sa mga lehiti­mong negosyante sa LTO, ginagawa na umanong “gatasan” ang LTO para raw sa pagtakbo ni Lo­mibao bilang congressman sa nalalapit na 2010 elections.

Nananawagan ang mga negosyante kay Lomi­bao na siyasatin ang na­turang sumbong upang di makasira sa kanyang pangalan at sa LTO.

Ang LTO ay dating top 3 sa pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan, ngunit ngayon ay pang-18 na lamang ito.

AYON

DAPAT

LAND TRANSPORTATION OFFICE CHIEF ARTURO LOMIBAO

LOMI

LTO

NANANAWAGAN

SHY

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with