^

Bansa

Pinay na bibitayin sa Taiwan sasaklolohan

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Sasagipin ng gob­yerno ang isang Pinay na nahaharap sa hatol na firing squad sa Taiwan dahil sa kasong murder at robbery.

Kahapon ay nakipag-usap na si Nacionalista Party President, Senator Manny Villar sa mga opisyal ng gobyerno para sa kaligtasan ni Cecilia Alcaraz bunsod na rin sa panawagan ng migrant workers na tulungan ang naturang OFW na hina­tulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad.

Si Alcaraz, may apat na anak sa Pilipinas, ay na-convict noong Set. 30, 2008 ng Kaohsiung District Court sa kasong murder at robbery. 

“Panahon nang ma­nindigan ang pama­ha­laan upang mailigtas ang buhay ng isa pa nating kababayan na nakipag­sapalaran sa ibayong dagat,” ani Villar.

Naging concern si Villar sa naging posibleng desisyon ng Taiwanese Appellate Court sa ka­song ito ni Alcaraz, na ngayon ay nakaapela. “Kailangang gawin ng gobyerno ang lahat para mailigtas sa kamatayan si Cecilia,” anang senador.

Ang kanyang OFW Helpline ay nagbigay na ng tulong sa pamilya ni Alcaraz at nakipag-usap na sa mga ahensiya ng gobyerno para mailigtas ang Pinay.

Sa Manila Economic Cultural Office sa Taipei, Taiwan, kamakailan ay nag-ulat na ang hatol na kamatayan kay Alcaraz ay base lamang sa legal procedures at ebidensiya na prinisinta sa korte.

Sinabi ng migrant workers na ang kaso ni Alcaraz ay hindi isolated.

ALCARAZ

CECILIA ALCARAZ

KAOHSIUNG DISTRICT COURT

NACIONALISTA PARTY PRESIDENT

PINAY

SA MANILA ECONOMIC CULTURAL OFFICE

SENATOR MANNY VILLAR

SHY

SI ALCARAZ

TAIWANESE APPELLATE COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with