^

Bansa

OFW natuhog ng bakal ang ulo

-

MANILA, Philippines - Hiniling ni Naciona­lista Party President at Senador Manny Villar sa gobyerno na bigyan agad ng tulong-medikal ang Isang overseas Filipino worker na aksidenteng natusok ng metal ang ulo sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Sen. Villar na dapat na maipagamot agad ang OFW na si Quirino Sison, 50, heavy mechanic dahil hindi pa naaalis ang basag na bearing sa ulo nito kaya nagdudulot Ito ng so­brang sakit.

Si Sison mula sa Al Gassim, Saudi Arabia ay nakahingi ng tulong kay Villar ng tumawag ito sa itinatag na OFW Helpline ng senador.

Aniya, aksidente si­ yang natamaan ng basag na bearing kaya duguang Itinakbo sa ospital at ng suriin ng doktor ay may nakitang piraso ng metal sa loob ng kanyang ulo. Bunsod nito’y dalawang linggo ng hindi nakaka­pagtrabaho si Sison.

“Sumasakit po ang ulo ko lalo na pag nakatingala ako na parang may tu­mutusok, at namamaga, kaya hindi ako makatulog sa gabi,” ani Sison.

Kasabay nito, kinon­dena ni Villar ang gob­yerno, partikular na ang Overseas Workers Welfare Administration dahil sa kakulangan ng pro­teksiyon ng mga OFWs na nasa ibang bansa.

Bunsod nito’y isinu­long ni Villar ang paglikha ng “No fault Insurance system” na siyang tutu­long sa oras na naaksi­dente ang isang OFW at hindi na kinakailangan pa na magsampa ng kasong sibil.

Una nang inihain ni Villar ang Senate Bill 3040 o ang Overseas Contract Workers Insurance Act na nag-uutos na bigyan ng insurance ang lahat ng mga OFW, bu­ kod pa sa ibinibigay ng OWWA.

Kasabay nito, isinum­bong din ng may-bahay ni Quirino na si Edna na nagrereklamo din ang 11-pang kasamahan ng kan­yang mister dahil sa hindi pagtupad ng kani­lang kompanya sa ka­ nilang kontrata gaya ng sobra-sobrang oras sa pag­tatra­baho. (Butch Quejada)

AL GASSIM

BUNSOD

BUTCH QUEJADA

KASABAY

OVERSEAS CONTRACT WORKERS INSURANCE ACT

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PARTY PRESIDENT

QUIRINO SISON

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with