Miriam goodbye na sa politics?
MANILA, Philippines - Wala na umanong gana si Senator Miriam Defensor-Santiago na tumakbo pang muli bilang senador sa susunod na taon kahit pa isinama siya sa senatorial line-up ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Ikinokonsidera umano ni Santiago ang kalagayan ng kanyang kalusugan dahil mayroon siyang chronic fatigue syndrome kaya nawawalan na ito ng gana na kumandidato.
Hindi na rin umano mahalaga kay Santiago kung ano pang ticket siya tatakbo sakaling kumandidato dahil wala na rin siyang nakikitang pagkakaiba sa mga ipinaglalabang ideolohiya.
Hindi na rin umano umaasa si Santiago na magiging presidente pa siya ng bansa taliwas sa kanyang naramdaman nang tumakbo siya sa presidential elections noong 1992.
Sinabi pa ni Santiago na posibleng i-pratice na lamang nya ang kanyang propesyon bilang abogado sakaling mamahinga na sa pulitika. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending