^

Bansa

NPO may 'k' pa rin - Ermita

-

MANILA, Philippines - Nilinaw kamakailan ni Executive Secretary Edu­ardo Ermita sa kanyang sulat kay National Printing Office Director Servando Hizon na may karapatan pa rin ang NPO na magpa-subcontract bidding ng mga security printer ng bansa.

Dahil dito, ibinasura ni Ermita ang naunang legal opinion ng dati niyang deputy na si Manny Gaite na nagtatanggal sa NPO ng karapatan nito na magpa-subcontract. Ang legal opinion na ito ni Gaite ay nagdulot ng kalituhan at kontrobersiya dahil sa­kaling tanggalin sa NPO ang karapatan sa pagpa­pa-imprenta, lalo lamang umanong lulubha ang ‘graft and corruption’ sa bansa.

Si Gaite ay kasalu­kuyang komisyuner ng Security and Exchange Commission.

Dahil sa sinasabing “midnight opinion” ni Gaite, nalito ang maraming ahensiya ng pamahalaan kung saan sila dapat magpaimprenta ng mga government forms.

Sinabi ni Ermita na matapos ang masinsinan nilang pag-aaral sa mga probisyong nasasaad sa batas, naglabas muli sila ng desisyong makakapag­bigay-linaw sa lahat.

Sinabi ni Ermita na NPO pa rin ang may eksklusibong karapatan sa pagpapa-imprenta sa mga government forms at maaari itong ipa-sub contract sakaling hindi kayanin ng ahensiya basta idadaan lamang sa tamang bidding at proseso.

Sinasabing NPO ang pinakaepektibong bantay para mabusisi ng husto ang document forms ng pamahalaan na may special security features tulad ng mga accountable forms, official ballots at mga pribado pang doku­mento.

Ang ‘midnight legal opinion’ na ito ni Gaite ay ipinalabas ilang araw bago siya maitalaga bilang komisyuner ng SEC kapalit ni Jesus Martinez na isi­nangkot sa ‘legacy scam.’ 

Nauna nang inaku­sahan ni dating NPO officer-in-charge Dionisia Valbuena ang Ready Forms Inc., na nasa likod umano ng pagpapakalat ng balitang wala sa NPO ang karapatan sa pag­papa-subcontract bid­dings. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

DAHIL

DIONISIA VALBUENA

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDU

JESUS MARTINEZ

MANNY GAITE

NATIONAL PRINTING OFFICE DIRECTOR SERVANDO HIZON

NPO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with