^

Bansa

Chip Tsao masuwerte

-

MANILA, Philippines - Masu­werte ang HK co­lum­nist na si Chip Tsao dahil meron siyang isang ka­tulong sa bahay na isang Pilipina na merong degree sa international politics at graduate sa University of Manila.

Ito ang pasaring ka­hapon ng negosyanteng si Joey de Venecia III kasa­bay ng pagsasabing naka­kausap ni Chip Tsao sa intelihenteng paraan ang katulong nitong pinanga­lanang Louisa na hindi magagawa ng naturang ko­lumnista kung ang ka­tulong nito ay nagmula sa mainland China.

Sinabi ni de Venecia na bagaman may kanya-kan­yang opinyon ang mga manunulat, hindi tamang manlait ng tao ang mga ito at hindi nakakatawang ma­liitin at kutyain ang 130,000 Pilipinong domestic helper sa Hong Kong.

Pinuna rin ni de Ve­necia na walang silbi ang pagba-blacklist ng pa­mahalaan kay Chip Tsao kasunod ng komentaryo nito na isang bansa ng mga alila ang Pilipinas dahil wala namang interes na magtungo rito sa bansa ang naturang mamama­hayag. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CHIP TSAO

HONG KONG

LOUISA

PILIPINA

PILIPINAS

SHY

UNIVERSITY OF MANILA

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with