^

Bansa

Joey nagbabala vs Chacha

-

MANILA, Philippines - Nagbabala ngayon si Joey de Venecia III na plano pa ring isulong ng lideratong Arroyo ang pag-amyenda sa saligang batas o ang Charter change at gagamitin nitong instrumento ang Maba­bang Kapulungan upang maipatupad ito.

Partikular na tinukoy ng batang de Venecia ang dalawang anak ni Gng. Arroyo at ang mga kaalyado nitong mga mambabatas sa Kamara, na siya uma­nong mangunguna sa pagsu­ sulong ng Chacha.

Ani Joey, lumalabas na ang tunay na kulay at motibo ni Gng. Arroyo na wala umano itong balak na iwan ang pinakamataas na puwesto sa pulitika sapag­kat lihim itong gumagawa ng paraan upang maipa­tupad ang pag-amyenda sa saligang batas.

Naniniwala ang mga anti-Chacha proponents tulad ni Joey na dadalhin sa atensyon ng Korte Suprema ang usapin hinggil sa 3/4 votes, subalit ito ay sa san­daling maitalaga sa pinaka­mataas na Huku­man ang mga kaalyado ni Pangulong Arroyo.   (Butch Quejada)


vuukle comment

ANI JOEY

BUTCH QUEJADA

CHACHA

GNG

HUKU

KAMARA

KORTE SUPREMA

PANGULONG ARROYO

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with