^

Bansa

Dutchman na nanggulpi ng Pinay partner pinadampot ni Libanan

-

MANILA, Philippines - Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Dutch national na una nang inireklamo ng kani­yang Pinay na asawa, dahil sa ilang ulit na pag­dadala ng kaniyang mga babae mismo sa kanilang tahanan.

Ayon kay BI Commissioner Marcelino Libanan, maliban sa harapang pam­bababae ni Edzart Pieter Jan Zwaal, 68-anyos, mi­namaltrato at sinasaktan din nito ang asawa.

Batay sa affidavit ng asawa ng dayuhan, ma­higit dalawang taon na siyang nakararanas ng pang-aabuso mula sa asawa.

Nakilala umano niya si Zwaal sa Netherlands kung saan nagtrabaho ang Pinay bilang domestic helper sa loob ng 14 na taon.

Naging mag-live in partner umano sila ng da­yuhan simula pa noong March 2006.

Ayon sa reklamo, ma­dalas umanong magdala ng prostitute ang dayuhan sa kanilang sariling pama­mahay.

May pagkakataon pa umanong pinaaalis ng da­yuhan ang anak ng Pinay sa kaniyang unang asawa, para lamang magamit ang kwarto nito kasama ang kaniyang mga babae.

Ayon pa sa biktima, alcoholic ang naturang da­yuhan at lagi siyang binu­bugbog tuwing uuwi ng lasing.

Si Zwaal ay inireklamo na ng kasong paglabag sa anti-violence against women act sa pulisya ng Sta. Rosa, Laguna.

Ito ay kaugnay ng insi­denteng naganap noong Sept. 2007, kung saan paulit-ulit umanong sinun­tok ng dayuhan ang Pinay na asawa, kinaladkad pa­la­bas ng asawa at tinakot na siya ay papatayin. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ASAWA

AYON

BATAY

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

EDZART PIETER JAN ZWAAL

GEMMA AMARGO-GARCIA

PINAY

SHY

SI ZWAAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with