^

Bansa

Lahat ibinintang sa akin, pati pagiging bakla - Ping

-

MANILA, Philippines - Inilabas kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lac­son ang kanyang himutok sa kasa­ lukuyang admi­nis­trasyon dahil lahat na la­mang ng kasinunga­lingan ay ibinin­tang uma­no sa kanya mula sa mo­ney laundering, ilegal na droga, kidnapping, at ang pagiging bading.

Sinabi ni Lacson sa kanyang talumpati sa Phal­tra National Conference and Seminar sa Manila Ho­tel na, sa naka­raang wa­long taon simula nang ma­upo sa puwesto si Pangu­long Glo­ria Arroyo, naging tampulan na siya ng wa­lang humpay na paninira.

Hininala ni Lacson na ang kanyang patuloy na krusada sa korupsiyon ang dahilan kung bakit ayaw siyang tigilan ng adminis­trasyong Arroyo.

Inisa-isa ni Lacson ang mga kinasangkutang kon­trobersiya ng adminis­tras­yong Arroyo katulad ng jueteng, IMPSA deal, Tele­com scam, Jose Pidal controversy, Fertilizer fund scam, at ang pina­kahuli ay ang sabwatan at suhulan sa bidding sa mga proyektong pinopon­dohan ng World Bank.

Tiniyak ni Lacson na hindi niya ititigil ang kru­sada laban sa katiwalian na si­ nimulan umano niya noong hepe pa siya ng PNP.

Muli niyang iginiit na wala siyang kinalaman sa Dacer-Corbito murder case katulad ng gustong palaba­sin ng administras­yong Arroyo. (Malou Escudero)

DACER-CORBITO

GLO

HININALA

JOSE PIDAL

LACSON

MALOU ESCUDERO

MANILA HO

NATIONAL CONFERENCE AND SEMINAR

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with