^

Bansa

Flood control scam, sisilipin ng Blue Ribbon sa Hulyo 27

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag nitong Linggo ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo na ipagpapatuloy ng komite ang imbestigasyon sa flood control scam, sa oras na pormal itong mabuo sa pagbabalik-sesyon ng Senado sa Hulyo 27.

“Sa umaga po ng July 27, which is the SONA, doon po natin ifo-formalize ang Blue Ribbon. Kaya hindi kami makapag-hearing kasi kailangan ng membership. Magsu­sumite po ang mga senador ng mga pangalan ng mga magiging miyembro,” wika ni Tulfo.

“Magkakaroon tayo ng imbestigasyon sa flood control. Imbestigahan natin, ituloy natin, pero paano kung ang mga pangalan na lumabas ay kapareho rin ng mga kinasuhan ng Ombudsman dahil sa unang Committee Report ng Blue Ribbon? Uulitin lang ba natin ito? Dapat may mga bago nang pangalan,” paha­yag niya.

Bilang pinuno ng komite, iimbitahan niya ang lahat ng mga stakeholder at maglalatag ng mga bagong patakaran tulad ng mas mahigpit na pagsusuri sa mga affidavit at pagbabawal sa mga biglaang testigo (surprise witnesses). Ang lahat ng mga repormang ito, ayon kay Tulfo, ay pormal na ipatutupad kapag opisyal nang nabuo ang panel.

“Ang pagkabunyag ng flood control scam ay maituturing na isang ‘blessing in disguise.’ Natuklasan natin na ang dahilan sa likod ng walang katapusang problema sa pagbaha at mga problema sa kalsada. Ito ay dahil ibinubulsa ang mga pondo,” ani Tulfo.

“Sa mahabang panahon, ang pagpaplano sa imprastraktura ay madalas na nakatali sa mga prayoridad ng bawat administrasyon. Kung mayroon tayong masterplan, hindi mahalaga kung saan manggagaling ang susunod na Pangulo,” dagdag pa niya.

Kasunod nito, hini­mok niya ang kanyang mga kasamahan na suportahan ang pagpasa ng kanyang Senate Bill No. 1360 o ang “Masterplan for Infrastructure and National Development (MIND) Act.”

Sa ilalim ng panukala bibigyang-prayoridad ang mga proyektong may national significance, ngunit titiyakin ng panukala na nakakonekta ang mga ito sa planong pangkaunlaran sa mga rehiyon at sektor.

ERWIN TULFO

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with