^

Bansa

Palace sa Super El Niño: Maghanda, huwag mag-panic

Geraldine Santos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na handa ang pamahalaan sa posibleng epekto ng Super El Niño at sinabing hindi kailangang mag-panic o mag-hoard ng inuming tubig.

“Ang pamahalaan po ay handa po sa phenomenon na ito dahil kung matatandaan ninyo po, 2024 ay nagkaroon na rin po tayo ng Task Force El Niño,” ani Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing nitong Huwebes, Oktubre 1.

Sinabi rin ni Castro na wala silang natatanggap na impormasyon na magkukulang ang suplay ng inuming tubig.

“Bakit kailangang mag-hoard ng tubig para pang-inom? Hindi po tayo mawawalan ng tubig para mainom,” aniya.

Ayon kay Castro, hindi na bago sa Pilipinas ang El Niño, bagama’t maaari umanong maging mas matindi ang epekto nito dahil sa climate change.

“So, hindi po kinakailangang mag-panic katulad ng mga nakikita natin sa mga socmed. Ang kailangan po ng mga kababayan natin ay magprepara, maging ready po,” ani Castro.

CLAIRE CASTRO

EL NINO

MALACANANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with