DTI: Walang taas-presyo sa pangunahing bilihin

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala pang inaasahang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing pangangailangan at basic commodities sa kasalukuyan, sa kabila ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
“Wala pa namang humihingi ng price increase sa atin. So for now, there’s still no price increase,” pahayag ni Trade Secretary Cristina Roque sa isang ambush interview sa MSME Summit 2026 na pinangunahan ng GoNegosyo, katuwang ang DTI.
Ayon sa kalihim, wala pang manufacturers na naghahain ng petisyon para sa price adjustments. Naitanong ito dahil sa posibilidad ng pagtaas ng presyo ng langis at produktong petrolyo sa susunod na linggo na maaaring makaapekto sa presyo ng bilihin.
“It’s really best for us to just wait first,” dagdag ni Roque.
- Latest





















