^

Bansa

VP Sara nagpiyansa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
VP Sara nagpiyansa
Dumating si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Hall of Justice nitong Sabado upang maglagak ng piyansa kaugnay ng kasong grave threats. Hiniling ni Duterte sa mga mamamahayag na samahan siya hanggang sa ikalimang palapag ng gusali, dahil umano’y nangangamba siya para sa kanyang buhay. Binanggit pa ni Duterte ang pagpaslang kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. bilang dahilan ng kanyang pangamba, at iginiit na hindi siya ligtas kung mag-isa.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagpiyansa si Vice President Sara Duterte nitong Sabado sa ­Quezon City court kaugnay ng kasong grave threats na isinampa laban sa kanya.

Dumating si VP Sara sa QC Regional Trial Court bago mag-alas-11 ng umaga, at ilang ulit na iginiit na “hindi siya ligtas” kung siya’y ikukulong habang ­inirereklamo ang umano’y pangha-harass laban sa kanyang pamilya.

“Hinarass nila ‘yung lugar kung nasaan ‘yung nanay ko at tsaka ang anak ko. Saan ako pupunta? Mag-bail ako, hindi titigil ‘yung harassment. Hindi ako mag-bail, pupunta ako sa pulis, wala akong tiwala sa pulis. Wala akong tiwala sa korte,” pahayag ni Duterte.

Hiniling pa ni Duterte sa media na samahan siya sa ikalimang palapag ng gusali, kung saan siya naglagak ng piyansa.

“Sino ang sasagot kapag namatay ako mamayang gabi? ­Siyempre maghuhugas-kamay lang ‘yung pulis, gagawin nilang mukhang aksidente, maghuhugas-kamay lang ‘yung judge. I do not feel safe at all. Kahit anong gawin ko. Gusto ko andun ako sa maraming tao.”

Nitong Biyernes, inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang arrest warrant laban kay Duterte matapos makakita ng probable cause sa kasong grave threats na isinampa ng Department of Justice.

“Together with its supporting evidence, and after due consideration of the arguments raised by both parties in their oral arguments, the Court finds that there is probable cause to hold the accused for trial for the crimes charged in the Informations,” saad sa resolusyon ng QC court.

Itinakda ni Presiding Judge Maria Angelica P. De Ramos ang piyansang P120,000 bawat isa sa tatlong counts ng grave threats.

Noong Agosto, nagsampa ang DOJ ng tatlong counts laban kay Duterte dahil sa isang video post kung saan sinabi umano niya na nag-hire siya ng taong papatay kina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza ­Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez sakaling magtagumpay ang banta laban sa kanya.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Paul Lawrence Lim, tiniyak nilang si Duterte ay “walang intensyong umiwas sa batas” at gagamit ng lahat ng legal na remedyo, “anumang isyu ng hurisdiksiyon ang lumitaw.”

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with