^

PM Sports

California Queen hari ng 3rd Leg Locally Bred race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit mahaba ang distansya ay nakuha pa rin ng liyamadong California Queen na manalo ng banderang tapos sa katatapos ‘3rd Leg Locally Bred’ stakes race na nilarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas kahapon.

Mabilis na lumabas ng aparato ang California Queen upang hawakan agad ang unahan sa kaaga­han ng karera pero kinapi­tan agad ito ng Animo Mag­nolia at Ikaw Ang Pag Asa habang mala­yong pang-apat ang Native Public.

Umunat ng bahagya sa kalagitnaan ng karera ang California Queen habang nasa pangalawang puwesto na ang matikas din na Imagination at pagdating sa far turn ay mainit na ang naging labanan sa unahan ng dalawang nabanggit na kabayo.

Lalong naging mabalasik sa unahan ang California Queen pagliko ng hu­ling kurbada kaya lumayo na ito ng may dalawang kabayo ang agwat sa humahabol na Imagination.

Umabot pa sa apat na kabayo ang bentahe ng California Queen kaya walang kahirap-hirap nitong tinawid ang finish line sa tiyempong 2:04.6 minuto sa 2,000 meter race.

Ginabayan ni former Philippine Sportswri­ters Association, (PSA) - J­ockey of the Year awardee John Alvin Guce, nanalo ang California Queen ng may tatlong kabayong agwat na pumangalawang Imagination.

JOCKEY CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with