^

Bansa

Jobless Pinoy, 30 milyon na

-

MANILA, Philippines - Umaabot na sa mahigit 30 milyong Pinoy ang walang trabaho mula pa noong Enero ng taong ito.

Ito ay nang tumaas ng may 7.7 percent ang bilang ng mga Pilipino na naging jobless noong nakaraang buwan.

Ayon pa sa National Statistics Office (NSO), noong Enero 2008 umaabot lamang sa 7.4 percent ang nawalan ng trabaho sa bansa,

Naitala rin ng NSO ang pagtaas ng bilang ng mga underemployed, mula sa 17.5% noong Oktubre 2008 na umakyat ngayon sa 18.5% dulot ng naranasang worldwide financial crisis at madami ang kumpanyang nagsara.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamataas na bilang ng mga walang trabaho, kung saan ang populasyon naman ay umaabot sa 90 milyon batay sa huling census.

Ang pagsasaka, na ikalawang may pinakamalaking bilang ng mga manggagawa sa bansa ay nagtanggal naman ng trabahador na umaabot sa 34.6 percent

Ayon naman kay acting Labor Secretary Marianito Ro­que, maraming job vacancies sa bansa ngunit may ‘mis­match of qualifications’ sa mga jobseekers kaya nagka­karoon ng unemployment problems. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CRUZ

ENERO

LABOR SECRETARY MARIANITO RO

NAITALA

NATIONAL STATISTICS OFFICE

SOUTHEAST ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with