^

Bansa

Hukom nag-display ng baril sa hearing, pinagmulta

-

MANILA, Philippines - Pinatawan ng multa ng Korte Suprema ang isang hukom matapos itong ireklamo ng pagdadala ng baril habang nagsasagawa ng pagdinig sa loob ng kanyang sala.

Si Cebu City Regional Trial court (RTC) Judge Eric Menchavez ng branch 21 ay pinatawan ng mul­tang P10,000 ng Korte Suprema matapos ini­ rekla­mo ito ng isang abu­gado na nagdadala ng baril at nilalagay niya ito sa kan­yang mesa habang nagsa­sagawa ng pag­dinig.

Sa naging imbesti­gasyon ng Office of Court Administrator (OCA), nag­karoon ng mainit na sagu­tan si Judge Menchavez sa complainant na si Atty. Antonio Cañeda kaya nagdala ito ng baril habang nagsasagawa ng pagdinig sa sala nito.

Subalit ayon sa Korte Suprema, masyadong na­pakabulgar at maituturing na conduct unbecoming ng isang hukom ang ginawa nito at binalaan nang mas mabigat na parusa saka­ling ulitin nito ang kanyang ginawa.

Iginiit pa ng Korte Su­prema na ang ipinataw na parusa sa kanya ay hindi dahil sa sobrang inis at namuong galit nito, subalit sa kabiguan nitong sumu­nod sa tamang pag-uugali na magkaroon ng dignidad at maging magalang sa loob ng korte.

Samantala pinagsa­bihan din ng Korte Supre­ma ang complainant na si Atty. Antonio Cañeda na kung kumakatawan ito sa kanyang kliyente, narara­pat na maging magalang sa loob ng korte upang maiwasan ang ano mang aksyon na magdulot ng ka­walang respeto. (Gemma Amargo-Garcia)

ANTONIO CA

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUDGE ERIC MENCHAVEZ

JUDGE MENCHAVEZ

KORTE

KORTE SU

KORTE SUPRE

KORTE SUPREMA

OFFICE OF COURT ADMINISTRATOR

SHY

SI CEBU CITY REGIONAL TRIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with