Pagsibak sa huwes hingi sa Supreme Court
Nanawagan kahapon kay Supreme Court Chief Justice Reynato Puno at sa court administrator ng Caloocan City ang mga stallholder ng Ever-Gotesco mall na parusahan ang isang hukom dahil sa hindi umano pagiging patas nito sa kanyang pinalalabas na desisyon.
Ayon sa mga tenant na pinangungunahan ni Raymond T. Ko ng Tiger Eye Events, hindi naging patas si Caloocan City Regional Trial Court Branch 126 Judge Oscar Barrientos nang paboran nito ang petition for writ of possession para sa buong shopping mall na inihain ng pamahalaang-lungsod noong Eneri 16. Ito ay sa kabila na ang Manila Regional Trial Court ang may orihinal na hurisdiksyon sa kaso.
Binalewala rin umano ni Barrientos ang temporary restraining order na naunang ipinalabas ng MRTC laban sa pagkum piska ng pamahalaang-lokal sa mall.
Sinabi ng mga stall holder na malulugi ng milyun-milyong piso ang mga negosyante sa Ever-Gotesco na mabubulabog sa desisyon ni Barrientos. Maaari anyang sumiklab ang gulo kung tuluyang kukunin ng pamahalaang lokal ang mall.
- Latest
- Trending





















