^

Bansa

RP balik sa manual election

-

MANILA, Philippines - Malaki ang posibili­dad na hindi matuloy ang automated poll kung hindi aaprubahan ng Kon­greso hanggang Abril 1 ang P11 bilyong budget ng Commission on Election.

Ito ang binitiwang pa­ha­yag ni Comelec Spokesman James Jime­nez sa kanyang pagdalo sa isang pulong balitaan kasabay ng pahayag na ang automated poll ay isang “le­gacy” na gustong iwan ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo.

“Walang mangyaya­ring computerized election, defenitely balik ma­nual election tayo kapag hindi pa naaprubahan ang budget hanggang sa Abril 1,” ayon kay Jime­nez.

Sinabi ni Jimenez na hindi ibibigay ng kongre­so ang hinihingi nilang bud­get kung hindi ma­amiyendahan ang Republic Act 9369 na kilala bilang election law.

Naniniwala si Jime­nez na dahil sa “bargaining position” ng Kamara ay malaki ang tsansa na hindi na matuloy ang automated poll dahil na rin sa sistema ng kongreso sa pag-aamiyenda ng isang batas. Ipinaliwanag ni Jimenez na masyado nang gahol sa panahon.

“God bless him, kina­wawa nila ang sambaya­nan, na nagnanais na magkaroon ng malinis na halalan sa 2010 Presidential election. Noon pang Nobyembre 2008, naibi­ gay sa kanila ang proposal namin at mara­ming factor ang ikinukun­sidera sa paghahanda ng isang computerized election,” ayon kay Jimenez. (Doris M. Franche)

ABRIL

COMELEC SPOKESMAN JAMES JIME

DORIS M

ELECTION

FRANCHE

JIME

JIMENEZ

PANGULONG GLORIA MACA

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with