^

Bansa

Bookkeeper ni Pacquiao kulong!

-

MANILA, Philippines - Hinatulang makulong ng 16-buwan ang bookkeeper ng Filipino boxing icon na si Manny Pac­quiao matapos mapatu­nayan na binulsa nito ang $89,000 at pineke ang pirma ng una.

Sa ulat, si Pia Anatalia Quijada, asawa ng driver ni Pacquiao, ay pinata­wan na makulong ni Los Angeles Superior Court Commissioner Henry Hall ng maghain ito ng “no contest” plea sa korte sa kasong grand felony at 32 bilang ng forgeries nang pirmahan nito ang 32 tseke na nagkakahalaga ng $89,000 at nakawin.

Pinagbabayad din si Quijada ng danyos na $89,383.49 bukod pa sa pagsosoli ng ninakaw na mga tseke.

Panandaliang maka­ka­laya si Quijada kung makakapaglagak ng hala­gang $90,000. Pinagkati­walaan umano si Quijada ng kampo ni Pacquiao na mag-asikaso sa bangko dito.

Sa ngayon ay naka­detine si Quijada sa Century Regional Detention Facility sa Lynwood, California. (Mer Layson)

vuukle comment

CENTURY REGIONAL DETENTION FACILITY

HINATULANG

LOS ANGELES SUPERIOR COURT COMMISSIONER HENRY HALL

LYNWOOD

MANNY PAC

MER LAYSON

PACQUIAO

PANANDALIANG

PIA ANATALIA QUIJADA

QUIJADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with