^

Bansa

131,000 bagong trabaho sa mga magsasaka, mangingisda

-

Dahil sa financial crisis, may 131,000 bagong trabaho ang Department of Agriculture (DA) para sa sektor ng agrikultura at pangingisda ngayong taon.

Ayon kay DA Secretary Arthur Yap, ito ay bahagi ng hakbang ng pamaha­laan na maalalayan ang estado ng pamumuhay ng taum­bayan mula sa epek­to ng krisis sa pananalapi sa buong mundo.

Ani Yap, may 81,134 trabaho ang mapupunta sa repair at rehabilitation ng mga irrigation facilities sa buong bansa at dagdag na 10,400 naman ang mabebenepisyuhan ng organic fertilizer production program.

Ang may 36,500 tra­baho naman ay mapu­punta sa pagtatayo ng farm to market roads at dagdag na 3,645 employment opportunities.

Kaugnay nito, nana­wagan si Yap sa mga mam­babatas sa Kongreso na makiisa sa pagtulong sa pamahalaan na mabig­yan ng kaukulang solos­yon ang problema sa pa­nanalapi sa bansa sa pamamagitan ng pagpasa ng isang economic stimulus bill na tutulong na maibigay ang commitments ng pamahalaan para sa kapakanan ng taumbayan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANI YAP

AYON

CRUZ

DAHIL

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

KAUGNAY

KONGRESO

SECRETARY ARTHUR YAP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with