^

Bansa

Clemency inendorso na kay GMA: 10 Ninoy killers lalaya na rin

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Inirekomenda na ni Justice Secretary Raul Gonzalez kay Pangulong Arroyo na mapagka­loo­ban ng executive clemency ang 10 pang sun­dalo na sangkot sa pag­patay kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino.

Kalakip din ng reko­mendasyon ng Kalihim ang unang endorsement mula sa Board of Pardons and Parole para sa presidential pardon.

Nilinaw ng kalihim na nakapagsilbi na ng sen­tensiya ang nasabing mga sundalo ng 25 taon, good conduct at time allowance kayat dapat na mabigyan na ng executive clemency ang mga ito.

Matatandaan na una nang pinalaya sina Ro­lando de Guzman at Feli­zardo Taran noong naka­raang Pebrero 6, 2009 sa pamamagitan ng executive clemency.

Bukod pa sa unang rekomendasyon ni Atty. Reynaldo Bayang, executive director ng Board of Pardons and Parole noong 1996, sinasabing qualified na sila for clemency at ang liham ng da­ting Pangulong Cory Aqui­no sa pamama­gitan ng kanyang aboga­dong si Atty. Fulgencio Factoran na nagsasabing pinapa­ta­wad na niya ang mga ito.

Lumalabas din sa findings ng Department of Health (DOH) at ospital ng National Bilibid Prison na nakakaranas na rin uma­no ng iba’t ibang uri ng sakit o “multiple serious diseases, tulad ng severe hypertension, diabetes, kidney disease, at cerebrovascular disease ang mga sundalo.

Kabilang sa 10 sun­dalong napipiit pa sa NBP ay sina Arnulfo Artates, Romeo Bautista, Jesus Castro, Ruben Aquino, Arnulfo de Mesa, Rodolfo Desolong, Claro Lat, Er­nesto Mateo, Felomino Mi­ randa, Rogelio Mo­reno.   

Lumiham din sa Pa­ngu­lo si Bishop Efraim Tendero ng Phil. Council of Evangelical Churches kung saan hinihiling nito na mapalaya na rin ang 10 sundalo.

ARNULFO ARTATES

BISHOP EFRAIM TENDERO

BOARD OF PARDONS AND PAROLE

CLARO LAT

COUNCIL OF EVANGELICAL CHURCHES

DEPARTMENT OF HEALTH

FELOMINO MI

FULGENCIO FACTORAN

JESUS CASTRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with