^

Bansa

Bandila ng Pinas gustong baguhin

-

MANILA, Philippines - Nais ni Sen. Richard Gor­don na baguhin ang bandila ng Pilipinas sa pamamagitan nang pag­dadagdag ng isang sinag sa araw.

Sa Senate Bill 2590 na inihain ni Gordon, nais nitong gawing siyam ang kasalukuyang walong si­nag ng araw na kumaka­tawan sa walong lalawigan na lumaban sa mga Kastila na kinabibilangan ng Ba­tangas, Bulacan, Cavite, Ma­nila, Nueva Ecija, Pam­panga, Laguna, at Tarlac

Ayon kay Gordon, awtor ng panukala, ang ika-siyam na sinag ay kakatawan sa mga Muslim na nanindigan at hindi nag­pasakop sa mga Kastila.

Sinabi ni Gordon na ang unang Philippine flag ay ginawa sa Hong Kong at unang nai-display noong Mayo 28, 1898.

Ikinatuwiran pa ni Gordon na ang bandila ang simbolo ng kalayaan at pagkakaisa bilang isang bansa kaya dapat lamang magkaroon din ng simbolo ng sinag ng araw ang mga taga-Mindanao. (Malou Escudero)

AYON

BULACAN

GORDON

HONG KONG

KASTILA

MALOU ESCUDERO

NUEVA ECIJA

RICHARD GOR

SA SENATE BILL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with