^

Bansa

Palparan target ng NPA

-

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army na target nila ngayon na likidahin na si retired Major General Jovito Pal­paran sa sandaling tumun­tong ito sa Mindanao.

Sa inilabas na pahayag sa internet, kinumpirma ni Ka Paking ng Ruimbaolibot Red Partisan Brigade ng Merardo Arce Command na naghihintay na ang kanilang “liquidation squad” para isagawa ang paglikida sa dating heneral sa oras na magtungo ito partikular sa timog Mindanao.

Sinabi pa ni Ka Paking, na ang posibleng appointment kay Palparan sa anumang anti-drug body ng pamahalaan ay nanganga­hulugan lamang ng mga panibagong kaso ng human rights violations.

Magugunitang ibinibin­tang kay Palparan ang ilang kaso ng pagpatay sa mga militante noong aktibo pa ito sa Armed Forces of the Philippines.

Iginiit ng rebeldeng grupo na sa ngayon ang death squad sa Davao City ang namamahala sa mga paglikida sa mga ordinary petty drug pushers o mga hinihinalang drug addicts sa lungsod.

Subalit sa posibilidad anila ng pagpasok ni Pal­paran sa lungsod, maaring maging ang mga ordinar­yong tao ay posibleng ipa­likida nito upang masabing may ginagawa siya sa pag­tupad sa tungkulin.

Kinumpirma naman kamakailan ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Dionisio Santiago Jr. na inireko­menda niya kay Pangulong Arroyo na sumama sa kanilang kampanya sa iligal na droga si Palparan dahil sa subok na nito ang de­dikasyon sa serbisyo. Ngu­nit hanggang sa ngayon, hindi pa malinaw kung sa PDEA o sa Dangerous Drugs Board uupo si Pal­paran.

Una nang tinukoy ng PDEA ang nagaganap na “narco-terrorism” sa bansa kung saan hawak ng mga rebeldeng grupo ang mga plantasyon ng marijuana at mga laboratoryo ng iligal na droga.  Tinukoy rin ng ahen­sya ang Marilog at Paqui­bato Districts sa Davao City na may mga plantasyon umano ng marijuana. (Danilo Garcia)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

DANILO GARCIA

DAVAO CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY DIRECTOR GENERAL DIONISIO SANTIAGO JR.

DRUGS BOARD

KA PAKING

PALPARAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with