^

Bansa

Ilaw ng mga billboard pinapapatay pagsapit ng 9 pm

-

MANILA, Philippines - Inutos ni Pangulong Arroyo ang pagpapapatay ng mga ilaw sa lansangan kabilang na ang ilaw sa mga naglalakihang billboards at tarpaulins.

Sa ipinalabas na Executive Order 774, kinaka­ilangan na patayin ang mga high-wattage lights sa mga kalsada at mga billboards pagsapit ng alas 9-ng gabi upang makatipid sa enerhiya at makaiwas sa masa­mang epekto ng mga nasabing ilaw na nagtataglay ng ma­tataas na boltahe.

Kasabay nito, sinabi ni Mary Ann Alcordo-Solomon, pangulo ng Outdoor Advertising Association of the Philippines–Cebu Chapter na pabor sila sa nasabing kautusan dahil makakatipid din ang kanilang mga kliyente sa ganitong paraan.

Anya, sa ngayon ay nagbabayad ang kanilang mga kliyente ng halagang P1,500 kada buwan. Ngunit nakasaad pa rin sa EO 774 na kung ayaw ipapatay ng mga may-ari ng billboards ang mga ilaw nito pagsapit o pagkatapos ng 9pm ay kinakailangan magdadagdag ng bayad ang mga ito.

Gayunman, sinabi pa ni Solomon na unti-unti na rin nilang binababa ang naglalakihang tarpaulin sa billboards dahil na rin sa masamang panahon at para ma­iwasan ang aksidente.

vuukle comment

ANYA

CEBU CHAPTER

EXECUTIVE ORDER

GAYUNMAN

INUTOS

KASABAY

MARY ANN ALCORDO-SOLOMON

OUTDOOR ADVERTISING ASSOCIATION

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with