^

Bansa

Rabena bagong PAF chief

-

Itinalaga ni Pangulong Arroyo bilang bagong Philippine Air Force (PAF) chief si Maj. Gen. Oscar Rabena kasabay ng pagreretiro ni Gen. Pedrito Cadungog kahapon.

Si Gen. Rabena na dating Presidential Airlift Wing Commander mula sa Philippine Military Academy (PMA) Class of 1978 binansagang “Thinker“ dahil sa paggamit nito ng mahahalagang bahagi ng kaniyang kaalaman sa ‘area of operations ‘ sa mga programa at plano ng PAF at AFP.

Nauna nang itinalaga ni PGMA na mula sa PMA Class 78 sina Lt. Gen. Delfin Bangit sa Southern Luzon Command, B/Gen. Romeo Prestoza bilang ISAFP chief at B/Gen. Celedonio Boquiren bilang PSG chief na pawang “mistah” niya sa PMA. 

Kabilang sa mga contenders na naglaban sa posisyon ng PAF Chief sina Major Gen. Nathaniel Legaspi, Major Gen. Hernanie Perez; pawang mula sa Philippine Military Academy (PMA) Class ‘ 76 at Major Gen. Rolando Capacia, nagtapos naman sa Flying School. (Rudy Andal/Joy Cantos)

CELEDONIO BOQUIREN

DELFIN BANGIT

FLYING SCHOOL

GEN

HERNANIE PEREZ

JOY CANTOS

MAJOR GEN

NATHANIEL LEGASPI

OSCAR RABENA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with