^

Bansa

Crew na sinibak dahil sa kapirasong manok pinababayaran ng SC

-

Kinatigan ng Korte Su­prema ang desisyon ng Na­tional Labor Relations Commission (NLRC) na malupit para sa isang em­pleyado na sibakin dahil lamang sa kapirasong manok.

Base sa 11-pahinang de­sisyon ng Korte Supre­ma, inatasan nito ang isang fastfood chain na bayaran ang empleyado nilang si Ma. Dulce Alba ng buong backwages kabi­lang dito ang allowance at iba pang benepisyo mula sa pana­ hon na sibakin nito noong Abril 27,1995 hang­gang sa mapagdesis­yu­nan ang kaso nito gayun­din ang separation pay nito.

Inatasan din ng Mataas na Hukuman ang labor arbiter na kuwentahin kung magkano ang dapat na ibayad kay Alba.

Sa desisyon ni Associate Justice Conchita Car­pio-Morales, ang pagkain sa loob ng kwarto ng mga crew habang naka-duty ay hindi maikokonsiderang “serious misconduct” dahil wala namang ebidensiya na nagpapakita na may­roong maling intensiyon si Alban.

Iginiit pa ng Korte Su­prema na ang suspension ng limang araw ay sapat na dahil inamin naman ng empleyado nila na hindi siya aware sa company policy tungkol sa pagkain habang naka-duty.

Dapat din umanong ikonsidera ang rason ng empleyado na siya ay gutom na at sumasakit ang kanyang sikmura kayat tinanong niya ang kanyang kapwa crew kung maari siyang kumagat ng kapira­song manok upang maib­san ang pananakit ng kan­yang sikmura.

Si Alba ay nahuling ku­ makain ng kapirasong fried chicken sa loob ng crew room noong Abril 8,1995 at nasuspinde ng limang araw.

Matapos ang limang araw ay nagsumite na ito ng eksplanasyon na uma­amin sa kanyang pagkaka­mali dahil nagugutom la­mang umano siya at suma­sakit ang tiyan.

Subalit noong Abril 27,1997, ay sinibak ito sa serbisyo kaya naghain ito ng reklamo na pinaboran naman ng NLRC. (Gemma Amargo-Garcia)

ABRIL

ASSOCIATE JUSTICE CONCHITA CAR

DAPAT

DULCE ALBA

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SU

KORTE SUPRE

LABOR RELATIONS COMMISSION

SHY

SI ALBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with