Baguio sinusugod
BAGUIO CITY – Kahit malamig ang temperature sa lungsod na ito na umabot sa 14 degrees celcius kahapon ay marami pa rin ang pinili na magbakasyon sa tinaguriang Pines City para salubungin ang Bagong Taon.
Tampok na pasyalan pa rin ng mga local tourist para magpakuha ng kanilang souvenir photo ang gate ng “The Mansion” kung saan ay nagbabakasyon din ang First Family.
Kahit malamig ang temperature sa lungsod na ito ay namamasyal pa rin ang mga bisita ng lungsod pero nakasuot sila ng kanilang mga jacket at nakasuot ng kanilang bonnet.
Naging tradisyon na ng First family na gugulin ang kanilang New Year holiday sa The Mansion subalit kahit naririto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi naman ito nagbabakasyon sa kanyang trabaho bilang Ina ng bansa.
Kamakalawa ay pinulong ni Pangulong Arroyo ang National Peace and Order Council at nakipagsaya ito pati si First Gentleman Mike Arroyo sa Baguio at Benguet mediamen sa handog nilang Christmas party.
Bukas ay nakatakdang magtungo naman si Pangulong Arroyo sa Sagada at Benguet para sa kanyang inspection at pagbisita sa mga proyekto ng pamahalaan. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending